Sabi ng isa kong kaibigan (pinakamagandang kaibigan), na si LENLEN, hindi lang daw puro saya ang ang pwede mong maranasan sa PAG-IBIG. Hindi lang puro ngiti ang mararanasan mo. Sometimes, its like playing your favourite guitar. Minsan sintunado, minsan nasa tono. Sa LOVE, minsan o kadalasan nasasaktan ka din. Halos lahat tayo marunong magmahal eh, pero konti lang ang kayang manindigan hanggang dulo, konti lang ang kayang magtiis ng sakit at hirap dahil sa PAG-IBIG nito sa isang tao.
Isang gabing payapa, nabasag ang katahimikan ko ng isang katagang narinig ko sa radio. “WHAT IF HAPPY ENDING IS ONLY YOU AND YOU ALONE, WILL YOU ADMIT INTO IT?”. At first, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, di ko alam kung magiging malungkot ako. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Nagising ung natutulog kong damdamin. Then all of sudden napaisip ako. Oo! Paano nga kung nakatakda na hindi ako makahanap ng taong magiging kasama ko sa pagtanda ko? Paano kung magisa lang akong tatanda? Paano kung ang pag iisa ang magpapasya sakin? Paano kung walang taong pag aalayan ko ng pag ibig? Paano kung walang tao makakarinig ng huling pagpintig nga king puso? Parang hndi ata maganda pakinggan.
Ayon kay Lydel, isa lang daw (este madame pala) ang naranasan nya sa pag-ibig un ay ang masaktan, mabigo at maghinagpis. Magdusa at umiyak. Halos lahat ganito sinasabe kasi at some point in time with their relationship with his/her partner, yung sya na inakala mong sya na eh hindi pa pala. Na ang pinakapakay lang pala nya sa pag daan sa buhay mo ay para matuto ka. “YOU CAN ALWAYS FORGET THE PERSON BUT NOT THE LESSON” .
Can we even blame those people na laging ahead of time magisip at laging futuristic. Lagi nilang sinasabe na sila na hanggang dulo pero at the end of the day biglang magkakasawaan, sasaktan ang damdamin ng isa’t isa. Iiyak, magpupuyat, magpapakamatay at mag papakalango sa alak. Pag nagawa ba nila ang kahit na isa dyan, mawawala ba ang sakit? Mawawala pba ang paghihirap? Maibabalik pa ba ang dating lumipas na?
Sa lahat ng magmamahal, nagmamahal at nagmamahalan, marami pa tayong mararanasan, mararamdaman at dadanasing kasiyahan, paghihirap, pag-unawa at pag-intindi habang may nararanasan pa tayong pagibig. Does money makes the world go round? Hell no! it is LOVE THAT MAKES THE WORLD GO ROUND
Wednesday, June 17, 2009
LOVE MAKES THE WORLD GO ROUND
Posted by ordinary_guy1234 at 9:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment